Sunday, October 02, 2005

salvation vs. pretention

kahapon may kwento sakin si jeanine.. kasi natutunan nya to dun sa ACLE nila. ayan. kasi yung ACLE nila ay about sa pakikipagusap sa ANGELS. hehe. at ang nagturo sa kanuila dun ay prof. sa archi na nakaexperience nang makausap ng kanyang angel. asteg no. ayun eto ung kwento nya.

kasi daw lahat daw tayo bago maging tao ay mga spirits na naninirahan somewhere. hindi nya sinabi kung heaven e, basta somewhere. tapos ayun.... (sh*t gemini tugtog..) tapos nung spirits pa lang tayo, desisyon daw natin ang manirahan dito sa mundo para makaexperience ng mga bagay2.ayun. in short tayo ang pumili na pumunta dito sa earth with permission ni God syempre. tapos tayo daw ang nagsulat ng gusto nating buhay dito sa mundo. (kwento lamang po ito...) tapos dahil sa hindi na natin matatandaan ang lahat ay nangkontrata ang spirit form natin ng angel para iguide tau in case na malihis tayo ng landas at hindi masunod ang isinulat ng ating spirit form. hehe. ayun. at you can have as many angels as you want depende daw sa needs.

asteg di ba. asteg isipin na may angel kang kasama. gusto kong maniwala dito lalo na sa panahong ito. hehe. kailangan ko talaga ng kausap. at if ever makita ko nga ang angel ko, kung nasa matino akong pagiisip ang itatanong ko sa kanya unanguna ay totoo ba ang Diyos? anong hitsura nya?? pero sa ganitong pagkakataon iba, ang itatanong ko ... bakit ganito ang nangyayari? anong dahilan? pakiexplain kasi hindi ko maintindihan.. hehe. sana naman masagot nya yan if ever. hehe. pero on the other hand hindi ba parang gawa gawa lang to ng tao? para masabi nilang kahit nagiisa sila ay may angel parin sila? di b parang naghahanap lang sila ng escape o lusot sa kung ano mang kalungkutan o karamdaman na nagfifeel nila? hehe. parang tanga di ba? making something up just to make you feel good. pero kung wala na talaga siguro nga mapipilitan kang maniwala. kahit ako, marami mang facts of science na sumusulpot sa isip ko at nagsasabing imposible, meron bumubulong sakin at nagsasabing maniwala ako.

bahala na...

hindi.
masaya.
bakit.
masakit.
bakit.
masaya.
hindi.

No comments: