Wednesday, June 20, 2007

no title

Ngayon ay inimbak ng Blogger ang iyong mga draft!

yes tagalog. hehe.

hmmm kanina pumasok ako. 30mins late. umalis na prof. wala daw klase. amf sayang pamasahe. tapos ayun edi punta na lang ako sa admissions office para kumuha ng UPCAT form. (di ako kukuha ng exam ha XD) tapos may nagtanong sakin

Mrs. : Miss san ba nagpapasa ng bayad na UPCAT form?
Ako: Ah baka po sa admissions office, papunta din po ako dun sabay na kayo
Mrs : ah o cge salamat ha. estudyante ka dito?
Ako: ah eh opo (sabay ngiti)
Mrs : waaaw ang galing naman!! ano course mo?
Ako : ahehe sinuwerte lang po . ECE po.
Mrs : woooow e diba quota course yon?
Ako : ahehe opo (nahihiya nako)
(nagchikahan pa kami hanggang makaabot sa admissions office na sobrang haba ng pila, andami naghahangad makapasok sa PBB ay mali sa UP pala)

Ayun pagkakuha ko ng app. form eh umuwi nako. tapos may nakasabay ako sa jip na HS students na kukuha ng exam. tapos di nila alam kung san PNB. tapos ayun tinuro sa kanila ni manong driver tapos ayun sabi nila "Manong! dahil sa inyo papasa na kami!"

haha. tapos natuwa ako at naging proud kasi "haha! nakapasa nako!". tapos narealize ko grabe ang swerte ko nakapasok ako sa updil tapos ece pa. tapos ano lang ginagawa ko? binabagsak ko lang subjects ko. sobrang nahiya talaga ako. wala ako karapatan magmalaki na nakapasa ako dahil di ko naman pinapahalagahan yung chance na binigay sakin. haaayyy. nasayang yung oras ko, yung pera ng mga magulang ko. nakakapagtaka nga eh andito parin ako sa college ko. ibig sabihin may chance pa ako to redeem myself. haaayyy. ayun. aayusin ko na talaga. haayy. =_=

3 comments:

ishtelar said...

yeah kahit ano. inggit nga ako sa ECE sa totoo lang. hindi dahil quota course kundi dahil maraming wafu. wahehe joke lang! :p
nakita ko si sunshine kanina! yay! badtrip na ako kanina eh dahil sa lady guard na pinagpilitang may binigay na number yung kasama niya. eh wala naman siya nung nangyari ang mga pangyayari. feel na feel makipagkontrahan. nilayasan ko na. ayunn badtrip. tapos ayun! ahaha super saya ko naman dahil nga nakita ko xa. :D

Carla said...

sino ba yun? haha! walang gwapo sa ece...

ishtelar said...

ahh yung wafu? naisip ko lang. haha si sunshine yung pinakita ko sa yo. di ba di ba? yung super wafu! haha